sa aking paghimlay,
iyong piling huwag mawalay..
iyong yakap aking hanap.
sa aking huling hininga may nais masabi.
sa mga huling sandali,
ako'y iyong arugain.
huwag mo sanang
kalimutan ang samahang walang batid.
sa aking paglakad ika'y 'di malilimutan.
buhay na may limitasyon,
pag-ibig na walang hanggan,
sa hukay aking dadalhin,
pag-ibig na tunay na walang sablay.
alaala ko ang siyang maiiwan.
iyong pagyamanin o ibasura,
ikaw na ang bahala...

Labels: